Bike

Nag bike ako today. Mga 30 minutes din yun. Ang lakas ng hangin. Ang sarap magbike. May mga batang naglalaro sa tabi ng daan. Bigla akong tinawag sabay sabing “Ate ang ganda mo.” (Salamat kids!) Napangiti ako sabay tawa kasi medyo malayo ako sakanila para makita nila ng husto ang mukha ko. 🙂

One of those days when I wish I have someone special. Wasted my entire vacation doing nothing. I hate cancelled plans. But who am I to get mad? It’s not their fault if they don’t feel like hanging out on a rainy day.

Glory days

May mga araw talaga na ang sarap magreminisce. Isa ito sa mga araw na iyun. Hindi ko mapigilan hindi maglook back sa college life, review days ko. Lalo sa college. Few months ago, sinabi sakin ni cy na ang ‘glory days’ daw namin ay nung college kami. Nung panahon na hinahabol namin yung deadline for lab report habang nagpreprepare kami ng event sa IECEP. Nung logic days namin, walang tulog at ligo pero nagtatawanan pa rin kami. Totoo glory days ko nga yung collge pero ang masakit sa sinabi ni cy, yung fact na tapos na ang college days namin tapos na rin ba ang glory days namin?

Sa lahat ng phase ng buhay ko, college yung pinakapaborito ko. Pinakamasaya ako. Natagpuan ko yung mga kaibigang tanggap ako at mahal ako. Pero kahit ganun.. Kung college man ang glory days ko. Hindi ba pwede maraming phase ng buhay mo ang maging glory days mo?

Ayokong isipin na hindi na ko magiging kasing saya kasing passionate kasing bibo katulad nung college ako. Gusto kong gumawa ng mas marami pang glory days. Kaya katulad nga ng favorite tag line namin nung college “Tiwala lang.”

 

Hindi ko alam kung anong gusto kong gawin sa buhay. Hindi ko maintindihan kung bakit sa bawat umaga mas gusto kong bumalik sa kama, takpan ang mga mata ng unan at matulog na lamang. Oo, alam ko hindi ako masaya. Na kahit anong pilit kong paniwalain ang sarili ko hindi ako masaya. Na mas dumadalas ang pag tingin ko sa bintana, sa kalangitan sa pag aasang baka bigyan nila ako ng kasagutan. Ngunit hanggang ngayon wala pa rin silang sagot. Siguro nga lahat naman ng tao darating sa gantong punto ng buhay pero shit naman bakit parang buong buhay ko puno ng pagdadalawang isip. Kung tama ba, kung ito na nga ba ang landas na gusto ko. Kasi ang sigurado lang  ako hindi ako mapapatawad ng 15 taong gulang na sarili ko kung nakita na nya akong ganito. Lito, nahihirapan ar higit sa lahat hindi masaya.

 

Transition Period

Dumarating talaga sa point kung saan may ginagawa ka bigla na lang may mga bagay kang maiisip.

Isa sa payo ng Reviewer namin para sa Board exam ay ang mag-ipon ng hugot. Sabi nya paramihan ng hugot ang labanan. Mas malalim na hugot mas marami, mas may drive para mag aral. Bigla akong napaisip ano nga bang dahilan kung bakit gusto ko ng lisensya. Maraming dahilan pero bigla ko ring naisip na kumpara sa iba hindi ganong kalalim ang mga dahilang meron ako. Kaya hindi ko mapigilang hindi isipin, hindi ba sapat na dahilan ang gusto mo lang. Hindi ba lahat naman kaming kukuha ng exam gustong pumasa. Hindi ba pwede pumasa kasi gusto mo lang. Hindi ba pwedeng pangsariling dahilan lang ang meron ka? Kapag ba ganon selfish kana agad? Shallow?

kung iisipin parang yung pag pasa sa board exam ay susi para sa pagbukas ng panibagong chapter ng buhay namin. Kasi sa totoo lang para kaming nasa blackhole ngayong review days. Hindi alam kung anong kalalabasan. Na ang tanging makakapagpaliwanag ng kapaligiran ay ang pag pasa. Ever since nagdecide akong mag i-engineering ako, isa lang ang constant na dasal ko na pangsarili ang pumasa sa board exam. Eto yung tipong goal ko.

  • wrote this last 5/18/2014. Review days.