Hindi pwede ang Pwede na.

“Kung mangangarap ka, paka-taasan mo na. Langit ang subukan mong abutin. Para kung ikaw man ay lumagapak, hindi ka kaagad sa lupa pupulutin. Sa mga ulap muna ang iyong bagsak.”

Nabasa ko yan sa 100 tips for Board Exam. (credit to you kung sino ka man walang credits sa napagbasahan ko e). Bigla kong naisip, ‘kelan yung last time na sinabi ko sa sarili ko na dat one hundred ka sa exam?’ Honestly, i can’t remember. Siguro kasi ngayon yung Basta pasado pwede na attitude na talaga ginagamit ko. Last time ko atang naghangad ng perfect score 2nd year college pa, yung panahong matitino pa yung grades ko. Nakakalungkot na isipin na habang tumatagal bumaba yung pangarap ko. Dat taasan, pangarap na nga lang ba pagkakait ko pa sa sarili ko. 

Ang sama rin pala na tinanggap mo na sa sarili mong mahirap yung isang subject kaya pag passing yung grade mo, tuwang tuwa ka na. Na hanggang dun na lang yung inaasam mo, na yung effort na binigay mo para lang pumasa hindi para mataas yung makuhang marka. Siguro dapat ibalik yung aim for the best attitude yung dat mag aaral ka para makakuha ng mataas na marka, no mag aaral ko for a perfect score. Pero syempre sa sarili mo lang sabihin para walang magsabing Yabang mo, Kung hindi mo man makamit yung perfect score for sure sa effort nabinigay mo, daig pa rin yung score na makukuha mo pag nag aral ka lang para pumasa lang. Kumbaga Win win situation yan.

Dapat tandaan hindi pwedeng puro pangarap lang, hindi pwedeng asam na asam ka ke perfect score pero di ka naman nag aaral mabuti. Magkaiba ang paraan ng pag aaral na para pumasa lang sa pag aaral para sa perfect o mataas na marka.  

About sa title ng blog na ito, iyan nga pala yung isa sa mga line na sinabi ng Dean namin nung first meeting namin sakanya sa Engineering Management. 

“Pag Engineer ka, hindi pwede ang pwede na.”

Advertisements

Published by

oxygendeprived

Amor Fati

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s