15 is the new 14

Image

 

 

Feb 14, 2014.

Second year in a row kung saan nagdate kaming magkakaibigan. Tropa date on Valentine’s Day. At kung kailan ako nagprepare ng munting “valentine’s gift” sa aking munting kaklaseng lalaki. 

Simula nung natutunan ‘ko na sa kultura ng Japan at Korea tuwing Valentine’s Day ang mga babae ang syang nagbibigay ng chocolates sa lalaking gusto o kaibigan nila, sinabi ko na sa sarili kong gagawin ‘ko yun. Dumating yung 3rd year at 4th yr highschool, na puro plano ang nangyari hanggang sa makagraduate ako ng Highschool ng di sya natutupad. By college, hindi ako makahanap ng tyempo. Hanggang sa dumating yung fifth year, sabi ko sa sarili ko last year ‘ko na ‘to. Last chance kumbaga. Hindi na kasi gaanong magiging espesyal kapag nagtratrabaho na ‘ko tapos doon ako mag bibigay ng ganun. Kaya nung Feb. 14, 2014 sa kasamaang palad wala kaming klase at ayoko namang bigyan lang yung tropa ko kasi syempre kailangan lahat bigyan ko. Para masaya at less issue(LOL).

Binalak kong gumawa ng homemade chocolate pero dahil ang daming prosesong pagdadaanan naisip kong mamimili na lang. Pero dahil 26 ang dapat kong bigyan hindi kakayanin ng budget ko kung imported chocolates ang ibibigay ko, In the end I settled for cloud 9, goya and potchi. Why potchi kasi ang cute nya lang 🙂 Namili rin ako ng kulay gray na ribbon, 3 cartolinas (2 purple and 1 light blue) at sandwich palstic yung colorful. Natutuwa ako nung namimili ako ng ribbon ang alam ko lang ayoko ng red kasi hindi naman ako nagcoconfess, una kong napansin yung gray na ribbon favorite color ko ang gray kaya obvious na yun mapapansin ko pero binitawan ko kasi naisip ko paran dull ng color. Pero in the end sinabi ni Danica ang syang kasama ko sa pamimili na mag gray na lang raw ako. 🙂 

Nung naggagawa na ko around 10pm, excited na excited ako I love DIY stuff. By 1am, tinatanong ko na sarili ko kung tama ba yung ginagawa ko. Kasi pwede naman post it na lang gamitin ‘ko sa halip na gumawa pa ko ng letter. By 2am, sure na kong nababaliw nga ako. -.- By 2:30am, tapos ‘ko na lahat. Binilang ko na ng 3times kung sakto bang 26 nagawa ko. Dinouble check ko na kung tama ba yung bilang ng chocolate na nakalagay sa bawat plastic at kung lahat ba ay may letter na. Doon na ako napangiti, kumbaga sa facebook status feeling accomplished. 🙂
Image

Feb. 15, 2014

Saturday Class. 8am class. Dumating ang Instructor ng 9:30am.
Nung una hindi ko alam kung paano ko ibibigay may hiya akong nararamdaman. Hindi naman kasi sila katulad ng classmates ko nung highschool na sanay na nagbibigay ako ng letter pag special occasion. Kaya hindi ko alam kung paano o ano magiging reaksyon nila. Pero nung nakita kong konti palang yung mga tao sa room, inabot ko na sa iba yung ‘gift’. And boom, nawala na yung hiya ko. Parang nagulat sila na bakit daw ako nagbibigay ng ganun nagthank you sila. Meron pa ngang inassume ng meron sya samantalang yung iba gulat na gulat na meron sila. 🙂 cute.

Ang fulfilling lang ng feeling. Hindi lang ako nakapagcross out sa bucket list ko, nakapagpakita pa ko ng appreciation sa mga taong naging malaking bahagi ng buhay kolehiyo ko. Next time sa girls naman. 😀

P.S yung picture sa taas, isa yan sa fave kong picture nung araw na yun kung saan naisipan namin mag “class picture” hindi kami kumpleton jan pero pwede na. 
P.S.S at kung bakit iyan ang fave ko ay dahil may something sa picture kung saan nacacapture yung moment kung saan kayo nagtatawanan. Cute. Super cute and real. 

Advertisements

Published by

oxygendeprived

Amor Fati

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s