Nilalamon ng Confusion

Minsan ang hirap ng ipaliwanag kung bakit ako nahihirapan magdesisyon. Minsan nga ultimo sarili ko nahihirapan na kong initindihin. Kaya nung sinabi ni Turla yung line na “nilamon na ng confusion si ***” bigla kong naisip na iyun yung tamang term sa kung anong pinagdaraanan ko ngayon. Confuse na confuse na talaga ko. Pero atleast present tense pa rin yung “lamon” masakit kasi pag past tense na.

—–

Kanina kinamusta ko ni Aileen na bru/closest friend ko kasi alam nya yung pinagdadaanan ko. Pinapayuhan nya ko saka nag offer sya ng tulong. Sa pag uusap namin yung tumatak sa isip ko.

Relax lang. Adjust pa.

Puro adjustments nga talaga ang buhay. Puro compromise. Bat hindi pa rin ba ko nasasanay?

If you really feel like crying, wag mo pigilan. Masyado ka madaming iniisip e. Matatapos din yan. At okay lang mag worry. Basta ifollow mo lang after ng mga worries, na kaya mo yan. I’m praying for you. 🙂

That “I’m praying for you” line nakakatouch talaga. Sabi ko nga sakanya Matapos ko lang ‘tong transition phase na ‘to giginhawa na ulit buhay ko.

—–

Kahit anong hirap talaga ng pinagdaraanan mo laging may good side. Laging may mga taong handang tulungan ka. At kahit magkamali ka ulit nandyan parin sila para sayo. Pero hindi ibig sabihin na tapos na ang confusion state ko, i haven’t decide yet. But i will. Wait lang natratraffic pa sa EDSA ang pag bounce back ko sa buhay 😀

Advertisements

Published by

oxygendeprived

Amor Fati

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s