Minsan ang motto ko sa buhay “Fuck ’em”

Fuck ’em.

Nung nagrereview ako para sa April board exam. Ang dami kong fears na nadevelop. Siguro dala yun ng pagbagsak ko nung sept board exam. Ultimo pagkausap sa ibang tao pag nasa Manila ko hindi ko magawa. At alam ng mga kakilala ko na napakadaldal ko. As in most talkative sa class, most sabat etc.. Iyun kasi talaga yung unang beses na solo ko sa buhay. Sa loob ng January to April, dalawang araw bawat linggo lumuluwas akong Manila para magreview. Natutulog mag isa sa transient na legit dorm type, ok naman malinis siya pero scary looking dorm pa rin sya. Old type kasi.
Isang beses, sunday na nun uuwi na rin naman ako sa hapon nun. Normally kasi ang klase ko natatapos ng 5pm or 6pm tapos magtatake out lang akong pagkain sa fastfood at byabyahe ng pauwi sa Bataan. Pero nung araw na yun, sobrang down ako. Inaatake ko ng kaba, takot, pagod, lungkot at kung ano ano pang masasamang pakiramdam. Nung umaga nun, pagkayaring magdiscuss sinabi samin na sa afternoon class namin mag eexam daw kami tas afternoon coaching class. Sa coaching class, may mga materials tas babasahin at aaralin mo lang. Kumbaga kanya kanya yun bibigyan lang nila kayong materials. Ang problema bawal mong iuwi ang materials o picturan. Takot akong magmiss ng klase kasi sabi ko nga pangalawang beses ko na tong magtatake ayoko ng mag sisi pa. Kaya iniiwasan kong di pumasok. Pero nung araw na yun, dahil sobrang down na ko. Bigla ko na lang nasabi sa sarili ko “Fuck ’em. Uuwi na ko!!” At iyun nga ang ginawa ko after ng morning class nagtake out akong pagkain pumunta sa terminal at sumakay ng bus pabalik sa Bataan.

Nung nasa bus na ko, doon ako nakaramdam ng saya. Kasi for once feeling ko kontrolado ko ulit buhay ko. Nasa pag cutting class ko nabigyan ko ng konting kalayaan sarili ko. Nabinigyan ko ng laya sa takot na baka bumagsak ako kasi nag absent ako. Nung mga panahon kasi na yun feeling ko, hindi ko na kontrolado ang buhay ko. Hindi naman sa kontrolado ko ang buhay o ang mundo ko, pero alam mo yung dati alam mong basta nag effort ka basta ginusto mo pinaglaanan mo ng dugo’t pawis alam mong mangyayari sya. Nawala yung balanse ko sa buhay, hindi na ko sigurado sa bawat desisyon ko. Hindi ko na kayang magdesisyon ng mabilisan, ng hindi agad inaatake ng takot sa consequences na mangyayari pag nagkamali ako ng desisyon.

Advertisements

Published by

oxygendeprived

Amor Fati

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s