Panda eyes

Habang nagtinatatype ko to katabi ko sa sahig sa sala ng classmate ko ang mga classmates kong tulog. Dahil ang araw na ito ay nakalaan na naman para sa isang sleep over/tambay/kainan/kwentuhan. 

Anong nga bang ginagawa namin tuwing nag iisleep over kami. Siguro naman mag aagree lahat na kahit anong successful ng sleep over nyo mas marami paring oras ang tinuon mo sa pag kwekwentuhan o iba pang gawain kesa ang paggawa ng dapat na gawin. Well, that’s life. 😀 Ganto kasi yun, magsisimula ang gabi namin ng 7pm — dinner time. By 8pm-10pm mostly kwentuhan lang yun. by 10-12am yan mag sisigawa na pero may singgit paring kwentuhan. by 12-2am mas intense na gawa pero may halong kainan. by 2-4am dun pa lang maggagawa ng matino at makakatapos. after nun sleep time. 

Halos Isang buwan na lang at matatapos na ang school term na to. Feeling ko hindi pa rin sapat yung natutunan ko para sa OJT namin. Siguro eto yung first time na ayaw ko pang mag summer kasi isang prototype at isang antenna pa ang hindi namin nagagawa na deadline na by the end of the school term. Nga nga!! At wala pa kong company na pag ooOJT-han. Patay! 

Sana malagpasan ko lahat to! Aja Fighting!

 

 

P.S another nonsense blog
P.S.S inaantok na kasi ako 
P.S.S.S time check 2:05am. Good night

Advertisements

Hindi makaintindi.. Literal.

Hindi mo na alam kung ilang beses mo ng nabasa yung dalawang page ng libro mo pero hanggang ngayon hindi mo pa rin maintindihan. >.< Hindi mo alam kung nag shut down na ba yung utak dahil sa kakaintidi sa napakaraming report na dapat intindihin o dahil lang talaga wala ka ng maintindihan pa kasi nga feeling mo walang free space sa utak mo. Hindi ko lang ata basta ‘feel’ na wala ng free space sa utak yun na yata talaga ay isang malaking katotohanan.

Nga pala.. Happy Valentine’s Day!

Good Day <3

One approved title for logic circuit!

Alam mo yung feeling na pag bigla kang matatahimik yung unang thought na papasok sa isip mo title para sa logic circuit. Yung kahit sabihin pa na 4 pa kayong group na walang approved project ang sakit parin sa puso kasi nakakatakot magkaroon ulit ng INC or worst first ever failing grade. Kwento pa nga ng groupmate ko kagabi daw 2am na sya natulog dahil nagreview sya para sa midterm exam namin sa Instru, by 4am nagising daw sya tas naisip nia agad yung logic namin… yun di na raw sya nakatulog.

 

Buti na lang sa araw na ito, pagkayari ng napakaraming inisip na project binalikan namin yung kauna unahang project na naisip namin at BOOOM! Approved. 🙂

Alam ko title pa lang ang nalalampasan namin kumbaga first step pa lang yung remaining steps mas mahirap mas masakit sa ulo pero sana katulad ng title na to na naapprove matapos rin namin yung prototype sa tamang oras.

Isang malaking Good luck saming lahat!

Be More Cool

Ever since bata pa ko, alam ko na tanggap ko na mainitin ulo ko.  TT which is something that i always wanted to change about me. Since 2008 nagsusulat ako ng new year’s resolution na minsan nagagawa ko at minsan hindi. Pero taon taon nagsusulat parin ako. New Year’s Resolution at kung ano ang nagawa ko sa taong lumipas.

At sa nakalipas na apat na taon may isang laging hindi nawawala sa listahan ko, be more cool. Hindi yung pacool na tao more of be cool about everything wag laging hyper wag laging naka sigaw, wag dibdibin ang lahat. Aminado ko i actually cant seen any progress with me. >.<

Feeling ko kasi ang passionate ko tao (word!) yung bang tipong pag gusto ko na yung isang bagay nahihirapan akong hindi ibigay yung lahat. Kaya konting kibot, naapektuhan ako. Pero ayaw ko na talagang maging ganun. Ayoko ng umiyak ng dahil lang sa ganung bagay na maari ko naman daanin sa simple ‘wala ganun talaga e’ attitude.

Siguro little by little makakamtam ko rin yung gusto kong pagbabago. Itatry ko na rin yung count 1-10 bago magsalita. Hopefully this time around i’ll see some progress with myself. 

So self, be more cool.

College Stuff’

Sa dinami dami ng problema sa mundo bakit ang hirap mag isip ng mga problemang pwedeng solusyonan ng mga logic gates?

Sa totoo lang, nakakastress ang buhay kolehiyo ngayon. Ang dami mga idea at tanung na  paikot ikot sa utak ko.

Saan mag oojt?
Anong title sa Logic Gates?
Pano papadaliin si Boolean Algebra?
Takot Maincomplete.

Buti na lang malapit ng mga tour. Makakapaghinga ng konti yung utak, sana, 

 

Happy 2013!

i don’t know where to start. 

Basta ko na lang sisimulan.

2013 na nga pala. Ang bilis ng panahon. Dahil bagong taon na naman naisip bakit hindi ako magblog. Blog na about sa buhay ko, not exactly. Pero yung mga kwento sa buhay ko. Random experiences ba. Gusto ko sana maging medyo personal tong blog na to at the same time hindi super personal. 

Dito ko isusulat lahat ng nararamdaman ko na pwedeng kong ipahayag mapa inis, asar, saya o kilig pa yan. Hindi man to maging daily blog pero tuwing may gusto kong isulat isusulat ko.

Kung kanina start ang di ko alam gawin ngayon yung ending naman, kaya ganto na lang bigla na lang mawawala..