2014.

Sa 2014, apat lang ang goals ko.

Gain at least 3kg.
Be physically fit.
Graduate this March.
Be an Engineer this September.

Nakakatuwa lang na habang tumatanda ako nawawalan na ng material na bagay yung nasa goal list ko, at mas nagiging specific na sya.

Gain at least 3kg. ย โœ“. Achieved it! Mula elementary to college goal ko ng maging normal in terms of weight. Nasa payat side kasi ako. Lalo pa nung nagcollege tumangkad ako ng 5’5″ kaya ang pangit pag masyadong payat. Akala ko nga papayat ako lalo sa Manila kasi nung nag OJT ako sa Makati lalo akong namayat. Buti na lang hindi ๐Ÿ™‚ Wagas na kain kasi ginawa namin nung review days. Sabi nga ng classmate ko ang motto raw namin ay “Isang solve, isang kain”

Be physically fit. 50%ย ย โœ“.ย Kung sa timbang di na ko underweight. Pero kung sa stamina mejo mahina pa rin. May next year pa. See you gym na talaga.

Graduate this March.ย ย โœ“.ย Hindi nga lang march April 4 kami grumaduate. ๐Ÿ™‚ Malaking achievement ito hindi ko nga lang maramdaman kasi sabi nga ng mga prof ko nung college “Hindi ka naman pumasok ng Engineering para makagraduate, pumasok ka ng engineering para magkalisensya.”

Be an Engineer this September. ย โœ—.ย Hindi natupad pero may bonus naman pumasa as Electronics Technician. Hindi ko pa raw kasi time. Sa april na lang. ๐Ÿ™‚

-Sinulat ko ito nung 12-22-2014. Infairness sakin nagkatotoo yung sa April na lang. ๐Ÿ™‚

Advertisements

Sleep is for the weak.

Tuwing madaling araw at hindi pa ko makatulog. Habang nakatunganga ako sa harap ng laptop o tv. Sinisisi ko ang College kung bakit hindi ako makatulog. Nung College kasi ako nagsimulang madaling araw matulog hanggang sa nakasanayan. Nagulat na lang ako nung christmas break nung 5th year ako, routine ko ng matulog ng 3am. At hindi lang ako nag iisa pati rin mga classmates ko.

Nagsimula talaga yun nung 1st year dahil sa Engineering Drawing. Favorite ko ang Engineering Drawing feeling ko kasi magaling ako sa drawing. Feeling lang naman. Nung mga time na yun laging may 1 plate per week dahil mabagal at mabusisi akong maggawa 3-4 hours per one plate ako. Hindi pa kasama yung oras ng pag uulit ko. Maarte talaga ko sa plate ko kaya madalas nakakaapat na ulit ako. Basta nagkamali ulit. At dahil natural na tamad ako, ginagawa ko yung plate ko ng isang upuan isang gabi bago sya ipasa. Pero along first year first sem biglang yung isang plate isang week nagiging 2 hanggang umabot pa sa 3. Kasama na ang pag aaral sa ibang subjects at exams, kinakain ang oras ko sa paggagawa lang ng plate. Ang problema pa sakin, pag gumagawa ako ng plate hindi ko kaya yung ihihinto tas itutuloy na lang. Sa school, kaya ko. Pero kung nasa bahay ako hindi ko kayang hintuan kasi mawawala yung momentum ko tas nanghihinayang ako sa sakit ng likod. Para isang bagsakan na lang. Kaya dahil doon nagsimula ang pagtulog ko ng madaling araw.

Hanggang mag 3rd year na may constant na 2 lab reports per week. Engineering lettering ultimo description kokopyahin. Maagang tulog na talaga ang turing ko pag nakatulog ako ng alas dose ng gabi.

At by 4th year, nagive up ko na ang konsepto ng pagtulog ng maaga. Madalas pa nga pati pagtulog ng maayos nawala na rin sa sistema namin. Nung 4th year na kasi nagsimula ang overnight marathon. As in marathon, lipat kung kanikaninong bahay. Ang tulog depende kung kelan matapos ang project kung di naman pag pagod doon na matulog.

Nung 5th yr, worst na talaga yung sleeping routine ko. Kasi kahit christmas break talaga 3am na ko natutulog. Oo nag aaral ako ng programming nung mga panahon na yun pero madalas talaga natutulog lang ako kasi wala ng online sa classmates ko. Haha.

Minsan ang motto ko sa buhay “Fuck ’em”

Fuck ’em.

Nung nagrereview ako para sa April board exam. Ang dami kong fears na nadevelop. Siguro dala yun ng pagbagsak ko nung sept board exam. Ultimo pagkausap sa ibang tao pag nasa Manila ko hindi ko magawa. At alam ng mga kakilala ko na napakadaldal ko. As in most talkative sa class, most sabat etc.. Iyun kasi talaga yung unang beses na solo ko sa buhay. Sa loob ng January to April, dalawang araw bawat linggo lumuluwas akong Manila para magreview. Natutulog mag isa sa transient na legit dorm type, ok naman malinis siya pero scary looking dorm pa rin sya. Old type kasi.
Isang beses, sunday na nun uuwi na rin naman ako sa hapon nun. Normally kasi ang klase ko natatapos ng 5pm or 6pm tapos magtatake out lang akong pagkain sa fastfood at byabyahe ng pauwi sa Bataan. Pero nung araw na yun, sobrang down ako. Inaatake ko ng kaba, takot, pagod, lungkot at kung ano ano pang masasamang pakiramdam. Nung umaga nun, pagkayaring magdiscuss sinabi samin na sa afternoon class namin mag eexam daw kami tas afternoon coaching class. Sa coaching class, may mga materials tas babasahin at aaralin mo lang. Kumbaga kanya kanya yun bibigyan lang nila kayong materials. Ang problema bawal mong iuwi ang materials o picturan. Takot akong magmiss ng klase kasi sabi ko nga pangalawang beses ko na tong magtatake ayoko ng mag sisi pa. Kaya iniiwasan kong di pumasok. Pero nung araw na yun, dahil sobrang down na ko. Bigla ko na lang nasabi sa sarili ko “Fuck ’em. Uuwi na ko!!” At iyun nga ang ginawa ko after ng morning class nagtake out akong pagkain pumunta sa terminal at sumakay ng bus pabalik sa Bataan.

Nung nasa bus na ko, doon ako nakaramdam ng saya. Kasi for once feeling ko kontrolado ko ulit buhay ko. Nasa pag cutting class ko nabigyan ko ng konting kalayaan sarili ko. Nabinigyan ko ng laya sa takot na baka bumagsak ako kasi nag absent ako. Nung mga panahon kasi na yun feeling ko, hindi ko na kontrolado ang buhay ko. Hindi naman sa kontrolado ko ang buhay o ang mundo ko, pero alam mo yung dati alam mong basta nag effort ka basta ginusto mo pinaglaanan mo ng dugo’t pawis alam mong mangyayari sya. Nawala yung balanse ko sa buhay, hindi na ko sigurado sa bawat desisyon ko. Hindi ko na kayang magdesisyon ng mabilisan, ng hindi agad inaatake ng takot sa consequences na mangyayari pag nagkamali ako ng desisyon.