Ang buhay ay puno ng tanong. Bow.

Nitong huling dalawang buwan napakadaming tanong na paikot ikot sa utak ko. Madaming tanong, plano at inconsistent decisions na hindi ko alam kung paano ko sisimulang ayusin. Natigil ako sa thought na kailangan ko ba ng specific na sagot o pwede ng vague na mejo specific. Dumarating pa ko sa puntong ayoko ng mag isip. Sinasabi ko sa sarili “Damn it! kung walang sagot sa tanong walang plano sa buhay de wala. buset!” Umaabot pa sa puntong sa sobrang frustrated ko maiiyak na lang ako. Minsan kinukwestyon ko na kung dapat ko pa bang harapin yung tanung na yun o kung pwede na lang ba kong tumakas. Close chapter na kahit walang ng sagot sa tanong move on na agad agad tapos.

Hanggang sa bigla na lang narealized ko nasagot ko na pala yung ibang mga tanong. Hindi ko namalayan hindi ko na pala naiisip yung tanong kasi nasagutan ko na. Minsan naman out of the blue habang may kausap ako narerealized kong nakapagdecide na pala ako.

Siguro nga sa bawat sagot sa tanong, bawat desisyon ko sa buhay hindi ako magiging 100% sure pero kung yung takot, kaba ang paiiralin ko baka wala na kong magawa sa buhay ko. Katulad ng dati paninindigan ko na lang lahat ng naging desisyon ko.

A blog worthy day

Ilang araw na kong nagplaplaong magblog tungkol sa nangyayari sa buhay ko. Iniisip ko kasi patapos na ang college life ko, malapit nang magdugtong ang bilog, kailangan ko ng sulitin at piliting maalala ang mga bagay na nangyari at mangyayari. Kaya susubukan kong magblog araw araw, kahit gaano kaplain ang araw ko. 

Napakaraming unexpected na bagay yung nangyari sa araw na ‘to. Dahil Friday ay Thesis Day, nagpunta kaming Department of Agriculture ng Bataan para makausap yung Boss doon about sa Flat bed na gagamitin namin sa thesis. Dahil mukang nabiyayaan kami ng napakaraming swerter ngayong araw pati yung employee sa Agriculture ng City nandoon. Binigyan nila kaming contact kay Sir David na syang humahawak sa flat bed sa Tuyo! Nung pinutahan na namin si Sir David, bigla nia kaming sinama sa lugar ng flat bed instant site visit with bonus pang automated na dyer. Nakakatuwa lang kasi kahit first time namin silang makilala napakabait nila samin, napakaaccomodating. Sa mga employee ng Department of Agriculture sa Bataan kayo dapat ang example ng tamang public worker, magalang, mabait, accomodating at walang tangi sa pagtulong! Saludo!

Pagkayari ng lahat ng yan, dumeretso na ko sa event ng IECEP BPSUSC ang pinakamamahal kong organisasyong kinabibilangan. Nakakatuwa kasi first time namin mag Cofference (Coffee + conference) pero masasabi kong successful. Lalo kong napatunayan na Genius si Mark. 🙂 At dahil birthday ng aming mahal na presisdente, mas lalong naging espesyal ang event na iyun. 

10:36pm, di ko na kaya super antok na ako. Good night world.

Kumbaga sa status sa Facebook, feeling meh.

Hindi ko alam kung pano ko papaliwanag yung araw na ito basta masasabi ko lang ayoko sa araw na ito. Ayokong pinamimili ako, ayokong napapahiwalay ako, ayokong kailangan kong makiusap, ayokong nagtatampo ako at higit sa lahat ayokong umiiyak ako. Ayoko. Ayoko lang. Siguro naman kahit kayo o yung iba ayaw nyo rin sa mga iyan.

Ilan taon ko na bang sinabi sa sarili ko na kahit anong mangyari wag kang iiyak sa harap ng ibang tao. Sa harap ng mga taong hindi ka lubusang naiintindihan. Isa sa mga bagay na ilang taon kong pinag aaralan ang pagtatago ng emosyon. Minsan kahit napainosente ng mga taong madaling magblush, tumawa, at umiyak. Mas gusto ko parin maging tipo ng taong magaling magtago ng emosyon. Hindi ka nagmumukhang mahina. 

Unconditional Love

Its hell week. Ang daming deadlines. Pressure and stress. 

Kagabi nagkaroon kami ng biglaang overnight kasi deadline namin today ng sa Research namin. Sa lahat ng overnight namin pangalawa yun sa pinakanakakapagod. Hindi dahil sobrang nakakapagod yung Research kundi dahil ang daming kumplikasyon. May sakit ako, weird yung nararamdaman ko sa katawan ko. Pressure ako kasi feeling ko wala akong natutulong sa mga groupmates, At ayaw ko iyon. Ayoko maging parasites pero feeling ko nagiging ganun na ko. 😥 Kaya ngayon na pinipilit kong makatulong sa kanila parang mas lalo akong walang naaaccomplish. Le sigh.

Kaya naman pag uwi ko sa bahay kanina, isa lang talaga ang plano ko. Ang matulog. Pero wala akong mahanap na pwesto natutulog si Mama sa kwarto nila, doon sana ko matutulog kasi iyun yung may pinakamalamig na pwesto at may aircon. Pero dahil occupied ni Mama wala kong choice kung hindi matulog sa kwarto namin ni ate ko. Pero wala akong mahanap na Electric fan. Nasira ko kasi yung isa, yung fan sa kwarto ayoko kasi nakadikit sa wall yun mainit yung binubugang hangin nun. Tas napagalitan pa ko kasi ang ingay kong magbukas ng pinto sa mga kwarto. 

Feeling ko ba dat time, di ako love ng parents ko. I know parang ganun na di na agad love. Wala e immature at stress mahirap na kalaban. Kaya nung humiga ako sa kama gamit yung napakaliit na fan, naiyak na lang ako. I know ang childish ko at selfish to think na dahil lang doon di ko na mafeel yung love nila for me.

Pag gising ko, around 8pm. Hindi pa rin maganda pakiramdam ko, nagsusuka ako pero walang maisuka kasi di ako naglunch. Hindi ako makakain kasi hindi pa nagsesettle yung tyan ko. Kaya naisipan kong mag laptop muna sa sala. Kasi ayoko sa kwarto natutulog si ate. To cut the story short nung nagdecide na kong matulog pag pasok ko sa kwarto namin ni ate. Nadatnan ko yung kama ko na may nagong bed sheet tas may sapin pa, maayos at malinis. Ala bigla ko lang naisipan na napakababaw kong tao para magduda sa pagmamahal sakin ng mga magulang ko ng dahil lang sa mga ganong bagay. Laging kong nakakalimutan na iba iba’t ng pagpapakita ng paraan ng pagmamahal ang mga tao. Hindi sila man kasing sweet ng ibang magulang. Pero sila yung mga taong kahit hindi ako nararapat mahalin at ingatan, minamahal at iniingatan pa rin nila ako. Walang piniling panahon. 

 

 

Hindi ko maparating mabuti yung gusto kong sabihan. Basta iyun na yun.

Sabaw Post

Alam mo yung feeling na feeling mo sobrang busy ka pero sa totoo naman hindi gano kasi may oras ka pa nga para tumulala. Pero sa totoo dapat busy na talaga. 
1. May Microprocessor project (prototype!) na kailangang tapusin. At defense na sa monday. Tapos na pala sya pero feeling ko wala naman akong natulong sa mga kagrupo ko. Ano ba to.
2. Ten-page full blown chubah ek ek sa research. Ayoko ng documentation.
3. Hell week na next week. Wala pa akong alam.

Ayan lang naman. Aist. Gulo ko.

Anyway, lagi akong inaantok. 3 straight nights na akong hindi pa 12am tulog na. Maraming salamat sa Antihistamine at Profan Iron. Normally, 12am nagpapaantok pa lang ako. Kasi normal kong tulog 1am o kaya 2am.

Nagpacheck kasi ako at humingi ako ng vitamins at dahil nalaman ni Doc na wala akong ganang kumain kaya ayun! Profan Iron! Sabi pa ni doc “Buto ka na lang.” nahiya naman po ang buto ko kay Doc. hayaan mo Doc tataba rin ako! 115lbs by November \m/

 

Kanina 2nd meeting namin sa Korean Lesson! Yep, nag start na ko 🙂 

Reading and writing Vowels and consonants pa lang kami. Nag exam kami kanina and I got

 

 

Image

 

 

100! Haha ang saya ko lang. Kung sana yung exam sa korean lesson katulad lang ng exam namin sa Comms4, Industrial Electronics, Microp at Signals. Kanina nga winawagayway ko nga yang papel na yan sa mukha ng mga classmates ko(college classmates hindi korean class classmates haha) tas natuwa naman sila sakin. Supportive mga yun e, kahit medyo buly.

 

Super sabaw lang ng post na to. Hindi ko na nga alam pinagsasabi ko. Inaantok na ko pero wala pa kong nasisimulan sa mga dapat kong simulan. Ang daming distractions e. Ayoko na. out na ko. 

Ang bomba sa Kolehiyo

Tatlong linggo na lang bago matapos ang unang semestre ng ikalimang taon ko sa kolehiyo. Sa mga oras na ito, para bang may nakasabit na bomba sa katawan ko na ano mang oras maaring sumabog.

Hindi mameet ang deadline. KaboomI 
Hindi mapagana ang prototype. Kaboom! 
Hindi makapagpaapprove ng title for thesis. Kaboom!
Hindi pumasa sa subject. Kaboom!

Ang malala sa pagsabog ng bomb hindi ka nito mapapatay, hindi ka nito literal na masasaktan at lalong walang debris na tatama sayo. Kundi sa pag sabog ng bomba, pangarap ang wawasakin nito. Pangarap na makagraduate on time. Pangarap na makaalis sa kolehiyo. Pangarap na huling taon na ito. Kaya ang sakit na idudulot ng pagsabog, wagas sa sakit sa umpisa, maghihilom ngunit kahit kailan man hinding hindi mo makakalimutan.

 

Kaya kahit anong pagod mo, kahit anong puyat sa gabi, kahit anong sakit sa bulsa, katawan at pag iisip at kahit anong sakripisyo ay gagawin mo. Kasi isa ka sa mga estudyante na hindi hahayaang masabugan ng bomba. Hahanapan mo ng paraan para mapitigil ito sa pag sabog. Kung hindi naman pasasabugin ito sa mukha ng mga gurong nagpahirap sayo sa kolehiyo sa mismong graduation mo. (Biro lang!) 

Unang araw ko sa Kolehiyo

Nung unang araw sa college, hindi ako nakatulog ng maayos. Hindi dahil sa excited ako, sige may part sa sarili ko na excited ako pero mas matindi yung kaba at yung takot kung ano ba yung COLLEGE. Naalala ko 10pm pa lang ata nakahiga na ako kailangan ko kasing gumising ng maaga para sa 7am class ko(Engineering Drawing 1) pero hanggang 2am kung ano anong eksena na maaring mangyari para sa first day ko yung tumatakbo sa isip ko. Hanggang by 2am ata yun nagdecide akong ayoko ng mag isip at ayoko ng pilitin ang sarili ko na matulog at BOOM nakatulog ako. 

 

Usapan na naming 3 ng mga highschool classmate ko na sabay sabay kaming papasok kaya ako, si joven at aileen naghintayan sa JDR para sabay sabay na sumakay ng jeep. Ang isa sa naalala ko nun, yung anxiety na first day wala na ko sa comfort zone ko. Hindi na to yung lugar kung saan pwede akong magrelax kasi lahat kilala ko. At hindi na ko isang tricycle away sa bahay, 2 sakay sa tricycle at isang sakay sa jeep/bus ang layo ng school namin sa bahay. Higit sa lahat hindi ko na kasama yung mga high school classmates ko na.  Hindi ko makalimutan nung nakasalubong namin si Soliver isa rin sa highschool classmate ko, sabi nia “1 sem down, 9 to go” kahit pa unang araw pa lang namin sa college nagcocountdown na sya ng pag alis nia sa kolehiyo.

 

Pag dating sa school, naghiwalay na kami ni Aileen CE kasi sya ECE kami ni joven. Naligaw kami hindi namin nahanap agad yung edraw room. Kahit na yung janitor hindi alam yung room. (naisip ko lang sino kaya yung janitor na natanungan namin?). Pagpasok sa room umupo ako sa unahan katabi ata ni Shiela at Danica. Sa likod naman pumuwesto sila Joven, Elai at Evan(mga highschool classmates ko) Yung mga awkward Hello at Hi ginawa ko. Tinignan ko yung mga mukha ng mga taong makakasama ko sa loob ng limang taon at kung mamalasin sa kolehiyo lagpas limang taon pa. Si Rochelle yung unang girl na napansin ko alam ko ang sabi ko sa sarili ko nun, ang gaganda ng mga classmates ko. 😀 Tas nung nagpakilala na si Sir Cadiz(Edraw1 prof ko) biglang pumasok yung lalaking nakasalamin, maputi, mejo chubby at cute, si Alfred yun. Instant crush. (Kung mababasa mo man to, shet nakakahiya pero matanda na tayo. kiber na lang!)

Ginawa namin yung normal na routine nagpakilala. Ang nagmarka sa utak ko nun, si Lady(mukang anime e) si Mark at Joel (ang laki ng boses, lalaking laki ang boses). Pagkayaring magpakilala sabi ni Sir Cadiz para daw mas makilala pa namin ang name ng isa’t isa bibigyan nia raw kami ng 5 minutes para alamin ang pangalan ng isa’t isa pagkayari magtatawag sya ng sasagot ng pangalan ng taong ituturo nia. Sa five minutes na yun, napuno ng ingay, awkward na tawanan at may nagpakalat ng papel para isulat mo yung name mo(mautak na classmates, si lady ata nakapag isip nun). Hindi ko na matandaan kung sinong natapat sakin pero ang memorable nun, si joven natapat sakanya si Jayven. Syempre dahil magkahawig ang name nila mejo nagkatawanan kami. Pati narin ang natanung kay jelor yung pangalan ng pinsan niang si Elai. 🙂

Ang next class namin Chem1. Hindi ko na maalala kung ano anong pinagsasabi ni Ma’am nun ang alam ko lang tinatakot nia kami about college. kesyo hindi katulad ng highschool na petiks lang papasa ka. 

Pagkayari ng chem1, umuwi na kami ni Joven at Evan naglakad kami papuntang terminal. Pero ang nakakatawa kinabukasan nalaman namin na may isang subject pa pala kami 1pm-2pm algebra di pa lang nakalagay sa schedule namin. Bale absent kami sa first class doon. Haha.

 

Nung pumasok ako ng College, sinabi ko sa sarili ko na ayoko ng mag open up sa ibang tao na sapat na yung highschool classmates/friends ko. Plus, malungkot talaga ako nung mga panahon na yun. Pano ba naman, plinano ko ng magMamanila ako tas in the end forever bataan girl lang pala bagsak ko. Hindi ko mafeel na eexperience ko yung ultimate college experience kung nasa Bataan lang ako. 

Pero in the end, nawala rin yung paghihinayang na bat asa Bataan pa rin ako. At kung ako na nagsabi na ayokong mag open up sa mga bagong classmates ko, naging super duper clingy na sakanila hahaha! 

Masaya ako nung highschool yung tipo ng saya na walang ibang prinoproblema. Pero naging wagas yung saya ko nung college kasi ngayon ko nararansan yung ang hirap hirap na wala ka ng panahon para maligo wala ka ng panahon para kumain pero nakakahanap ka pa rin ng panaho para tumawa at mag saya. 

 

Huling taon ko na sa kolehiyo(SANA), nakatagpo na ko ng mga taong masasabi kong “for keeps!” sa buhay ko, marami na kong natutunan sa acads(konti lang pala sa acads :p ), buhay at pananaw sa buhay, masasabi ko yung takot na naramdaman ko nung first day wala na natabunan na ng masasayang alala. Kahit atat na ata na kong grumaduate dahil ang hirap hirappp na, nandun parin yung thought na ayoko pa… ayoko pa… 

Isang Magandang Araw

Dapat 8am ako gigising para makapunta ako sa school ng 10am. Pero tinamad akong gumising kaya naging 9am ako nagising at 11am nakapasok. Buti na lang second batch ng exam ang girls nakapagreview pa. Medyo mahirap yung exam dictation kasi, wala naman sigurong may gusto ng dictation kasi hindi mo na mabalikan yung mga not sure mong answer. 

Pagkayari ng exam lumabas kami ng school para mag lunch. Habang naglalakad nakakita ko ng tarp na nakalagay KOREAN LESSON. Imagine kung gano ko kasaya kasi nagplaplano na talaga akong magtake ng korean lesson sa KCC pero dahil nga nasa Bataan pa ko hindi pa pwede, malayo at magastos di convenient. Kaya ang sabi ko sa sarili ko next year or next next year, pag kapasa ng board. (:D) At ang mas masaya pa rito may nakalagay na FREE TUITION FEE. Double whammy! May korean lesson na kong nahanap within bataan libre pa. Today is indeed a good day!

Kaya right after ng last subject ko, nag inquire ako kasama yung classmate kong inimpluwensyahan kong magtake ng korean lesson. Nung patapos na yung si Ma’am sa details regarding sa Lesson, tinanong nia kung bakit daw gusto naming mag aral ng korean lesson. Ang sinabi ko talaga, I always been interested in Korean culture ever since tas sinabi kong na nagplaplan na talaga akong mag aral wala lang mahanap sa bataan. Nung sinasabi ko yan feeling ko nagtwitwinkle yung eyes ko saya. Kasi naman a dream of mine is about to be fulfilled. Excited na ko. 😀

At nang pauwi na ako, nakasabay ko sa jeep yung mga highschool classmates ko. Na super na miss ko na. Super stress na itsura nila, magtatake na kasi sila ng LET. Pero hanggang ngayon nakakaloka paring isipan na may trabaho na sila. Young professionals na sila. Yung dating kasama mong kiligin sa mga crushes nyo. Yung kasama mong mangbully, kasama mong mantrip ng walang kamuwang muwang na nilalang. Nagtratrabaho na at higit sa lahat humuhubog ng panibagong henerasyon ng ating kabataan.